HALOS 6K NA MGA SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, NAKATAKDANG MAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION

Nag-umpisa na ang pamamahagi ng social pension o (SOCPEN) sa mga senior citizens para sa buwan ng January-June sa kasalukuyang taon sa lungsod ng Dagupan.
Nasa kabuuang bilang naman na 5,575 senior citizen beneficiaries ang nakatakdang makatanggap ng nasabing pension na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.
Mayroong nakatakdang schedule, partikular na araw hanggang Biyernes ngayong linggo ang mga ito upang matanggap ang payout.

Samantala, dinaluhan ng alkalde ng lungsod sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs at City Social Welfare and Development Office at nagbahagi ng mensahe sa naganap na pamamahagi ng ayuda. |ifmnews
Facebook Comments