Listahan ng mga Mahihirap na Pamilya, Patuloy na Bineberipika ng DSWD Region 2

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang pagtanggap ng DSWD ng mga katanungan at hinaing hinggil sa nakapaskil na inisyal na listahan ng mga pamilyang nangagailangan sa rehiyon 2.

Ang aktibidad ay isinasagawa ng mga Area Supervisors na nakatalaga sa community desk base sa nakatakdang schedule ng barangay.

Inaabisuhan naman ang mga may hinaing o katanungan na abangan lamang ang pagpunta ng Area Supervisors sa barangay.


Paglilinaw naman ng ahensya sa publiko, ang sinasagawang balidasyon ng listahanan ay iba sa balidasyon na kasalukuyang sinasagawa ng Unconditional Cash Transfer Program (UCT).

Hindi rin ito aplikasyon para sa gustong mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o listahan ng makakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Ang Listahanan ay hindi programa na nagbibigay tulong pinansyal o ayuda kundi ito’y isang pamamaraan ng pamahalaan para tukuyin kung sino-sino at saan ang mga pamilyang mahihirap sa bansa.

Facebook Comments