Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, Officer in Charge ng PWD Cauayan Center, abala aniya sila sa pagmomonitor ngayon sa mga dati ng PWD na nabigyan ng livelihood assistance at pag-aassess sa mga idadagdag na benepisyaryo ng livelihood program na itutuloy sa ilalim ng pamumuno ng bagong alkalde ng Lungsod ng Cauayan.
200 na benepisyaryo ang target ngayon ng PWD Cauayan na mapabilang sa livelihood program kung kaya’t hinihikayat ang iba pang PWD na sumangguni sa kanilang tanggapan o di kaya’y makipag ugnayan
sa barangay para matulungang mapabilang sa nasabing programa.
Nasa P1,500 hanggang P2,000 na cash assistance ang halaga na ibinibigay sa isang benepisyaryo dipende ito sa kalagayan at pangangailangan.
Samantala, hinihikayat naman ngayon ni Galutera ang mga kapwa PWD na wala pang PWD ID na magtungo sa kanilang tanggapan para makakuha ng ID upang sa ganon ay maka avail din ng mga benepisyo at discount sa mga gamot, check-up, hospitalization at iba pa.
Nagpapasalamat naman si Galutera sa City Government sa pagbibigay ng nasabing programa na malaking tulong aniya para sa mga Cauayeñong may kapansanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.