Listahanan 3, pormal nang inilunsad ng DSWD ngayong araw

Inilunsad ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Listahanan 3 o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction para sa mga stakeholder nito.

Ang listahanan ay isang information management system na nagtataguyod ng database para sa mahihirap na pamilyang Pilipino na siyang gagamitin naman sa pamamahagi ng ayuda para sa mga ito.

Batay sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 5 milyon mula sa kabuuang 15,487,655 households na kanilang na-assess ang natukoy na mahihirap.


Sumailalim sa Proxy Means Test ang lahat ng nakalap na datos na nakabatay sa kinikita ng isang pamilya.

2019 pa nang simulan ang house-to-house validation ng DSWD sa mga mahihirap na pamilya subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay natigil ito pansamantala hanggang sa makumpleto noong isang taon.

Facebook Comments