DALAWANG MOTORCYCLE RIDER, ARESTADO SA ANTI-DRUNK DRIVING OPERATION NG LTO AKLAN

18
Banga, Aklan – Dalawang motorcycle rider ang arestado kagabi matapos na magsagawa ng Anti-Drunk Driving operation ang LTO-Aklan sa national highway ng Brgy. Linabuan Sur, Banga. Aklan.
Base sa report ng Banga PNP na, unang nahuli ang motorcycle rider na taga Tabayon, Banga mga bandang alas 8:00 ng gabi matapos na mapansin itong over speeding.
Sunod na naaresto mga bandang alas 9:30 ang isa pang motorcycle rider na taga New Buswang, Kalibo na napansin naman na pa zig-zag ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo.
Isinailalim ang dalawa sa sobriety test at breath analyzer test pero parehong bumagsak at lumalabas na pareho ring may 9.99% na alcohol intake.
Kasama ng Banga PNP sa nasabing operation ang mga miyembro ng Aklan PPO at LTO-Aklan.
Sa ngayon ay sinampahan na ang dalawa ng kasong paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk Driving Act na isasampa laban sa kanila.
Facebook Comments