Literacy Pantry sa Ilocos Norte, patok sa masa

iFM Laoag – Trending ngayon ang isang community pantry na tinayo sa Barangay Pasil, Paoay, Ilocos Norte nito lamang Linggo.

Tinawag itong ‘ Literacy Pantry’ na inorganisa ng English Language Society at mga estudyante ng Master of Arts in English Language and Literature ng Mariano Marcos State University sa syudad ng Batac.

Ang nasabing pantry ay may iba’t ibang klase ng libro tungkol sa iba’t ibang asignatura tulad ng Math, English, Science, at Social Sciences.


Mayroon ding mga diktionaryo, librong ingles-tagalog, nobela, pocketbooks at maging spiritual books. Maliban dito may mga school supplies pa tulad ng mga notebook, papel, lapis, papel, ballpen, at marami pang iba.

May pabunos pa itong storytelling para sa mga batang estudyanteng pumila.

Layunin ng mga organizer na matulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pangangailangan at madagdagan ang kanilang kaalaman, lalo na ngayong may pandemya dulot ng COVID-19.

Pagkatapos sa Batac City, balak ng mga organizers itong pagpatuloy sa lungsod ng Laoag sa Mayo 23. ###[Bernard Ver, RMN News]

Facebook Comments