Matagal na panahon ng underpaid o hindi nababayaran ng tama ang mga pampublikong guro ito ay ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative France Castro.
Ayon sa mambabatas taon taon aniya ay hinihiling nilang itaas ang sahod ng mga guro subalit hindi napapansin.
Akala aniya nila ay isusunod na silang itataas ang sahod noong itinaas ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sahod ng mga pulis at sundalo subalit hindi natuloy.
May mga pagkakataon pa umano na may mga okasyon lalo nitong pandemic na hindi pa nababayaran ang ilang mga trabaho na ginawa ng mga kaguruan.
Malayo na aniya ang sahod ng mga guro kung ikukumpara sa sahod ng mga kagaya nilang mga propesyonal tulad ng mga Nurse, pulis at sundalo.
Ang pahayag ni Castro ay kaugnay ng inilabas ng survey ng pulse asia na underpaid ang mga public school teachers. | ifmnews
Facebook Comments