
Cauayan City – Pinayuhan ng Iranian ambassador sa London na si Seyed Ali Mousavi ang United Kingdom na maging maingat sa pakikialam sa digmaan ng Iran, US, at Israel.
Ayon sa kanya, may karapatan ang Iran na ipagtanggol ang sarili kung direktang sasangkot ang Britain sa atake.
Bagaman humingi ng paumanhin ang Pangulong Masoud Pezeshkian sa mga bansang Gulf, iginiit ni Mousavi na ipagpapatuloy ng Iran ang pag-atake sa mga military base ng US at Israel kung magpapatuloy ang opensiba laban sa kanila.
Sa nakalipas na linggo, tinamaan ng mga atake ng Iran ang Kuwait, UAE, Saudi Arabia, Bahrain, Oman, Iraq, at isang RAF base sa Cyprus.
Kahit may paumanhin, patuloy ang missile intercepts sa Qatar at UAE, at may kritisismo sa loob ng Iran sa tono ng apology.
Iginiit rin ni Mousavi na ang Iran ay hindi nagsimula ng labanan at ang kanilang tugon ay panseguridad lamang.
Ngunit malinaw na magpapatuloy ang Iran sa pag-atake sa US at Israel hangga’t nagpapatuloy ang opensiba, kaya’t hindi pa natatapos ang digmaan.










