
Sa ulat ng Department of Agriculture hardest-hit region ang Cagayan Valley dahil sa Strong El Niño.
Upang maghatid ng mabilis at sunstainable na solusyon para sa mga apektadong mangingisda sa Cagayan, nagtulungan ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at TRABAHO Party-List sa pamamahagi ng tulong pangkabuhayan.
Kabilang sa mga proyektong ipinagkaloob sa 13 grupo ng mga mangingisda sa Munisipalidad ng Claveria ay ang 62-foot fiberglass-reinforced plastic fishing boat, motorized flat-bottom boat, fishing gears, at mga life vest. Tumanggap din sila ng mga kagamitan para sa post-harvest at pagbebenta, tulad ng mga freezer, weighing scale, fish crate, cooler, meat grinder, vacuum sealer, at motorized cargo tricycle na kilala sa lokal bilang kulong-kulong.
Pinangunahan ng pro-labor advocate na si Johanne Bautista ang turnover ceremony ng mga nasabing livelihood projects kasama ang DA-BFAR kung saan nangakong tutugunan ang mga pangangailangan ng mga lokal na mangingisda.










