Sunday, November 15, 2026

Mga ‘kamoteng’ criminology interns, hindi hahayaang maging pulis – NAPOLCOM

Hindi makakalusot para maging pulis ang mga “criminology interns” na mahuhuling lumalabag sa batas trapiko.

Ito ang ibinabala ni National Police Commission Commissioner (NAPOLCOM) Ralph Calinisan kasunod ng mga nagba-viral sa social media na mga criminology students na kamote sa kalsada.

Sa kaniyang social media post, hinimok ni Calinisan ang publiko na kunan ng litrato ang mga mahuhuling walang helmet at lumalabag sa batas trapiko.

Sila na aniya ang bahalang kumuha sa kanilang pangalan, tukuyin ang mga ito at kalaunan ay hindi tanggapin ang aplikasyon bilang pulis o sa NAPOLCOM exams.

Samantala, nanawagan din si Calinisan sa mga Criminology Schools na tulungan sila sa ginagawang reporma upang maalis ang mga ganitong indibidwal at hindi na maging pulis pa.

Kinakailangan din aniyang ayusin ang curriculum lalo’t responsibilidad ng bawat isa ang pagsasaayos ng bansa.

Facebook Comments