
Makikipagtulungan ang Presidential Communications Office (PCO) sa mga media organization para palakasin ang kampanya kontra fake news.
Ayon kay PCO Acting Secretary Lino Cayetano, bubuo sila ng sistema kung saan maaaring beripikahin ng media ang mga impormasyong inilalabas ng ahensya bago ito ilathala.
Mahalaga aniya ang papel ng media sa pagtukoy ng maling impormasyon at pagpapanatili ng tiwala ng publiko.
Sa usapin naman ng fake news tungkol sa Super El Niño, sinabi ni Cayetano na pangunahing tungkulin ng PCO ang pagpapalaganap ng tama at beripikadong impormasyon.
Ipauubaya naman niya sa Department of Justice at Department of Information and Communications Technology ang usapin ng pananagutan sa pagpapakalat ng disinformation
Facebook Comments










