Livelihood assistance, ipinapapaprayoridad sakaling maitatag ang Department of Disaster Resilience

Pinatitiyak ni Marino Partylist Rep. Sandro Gonzales na isa sa ipaprayoridad sa oras na magkaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) ay ang livelihood assistance sa mga biktima ng kalamidad.

 

Ayon kay Gonzales, pangalawa ngayong taon ang pagaalburuto ng bulkang Taal sa pinakamapinsalang kalamidad kaya dapat na hindi lamang pisikal na kaligtasan ng mga tao ang tinitiyak dito.

 

Dahil nasira ang mga pananim, livestock at pangisdaan ng mga taga-Taal, dapat na ikunsidera na rin ng gobyerno palagi kung paano maibabalik ang kanilang kabuhayan na walang pangamba na muli nanaman itong masisira kapag pumutok ang bulkan.


 

Giit ng kongresista, bagamat buhos ang tulong ng iba’t ibang grupo at organisasyon sa mga biktima ng Bulkang Taal ay short-term lamang ito.

 

Kailangan aniya ng gobyerno na maglatag ng sistematikong paraan at pangmatagalang solusyon sa pagtugon sa bawat natural at man-made disasters sa bansa.

Facebook Comments