Liza Soberano kay Jane de Leon: ‘She’s meant to be a superhero’

241

Ipinahayag ni Liza Soberano kung gaano siya kagalak na si Jane de Leon ang gaganap na bagong Darna.

Sa vlog post na ibinahagi ni Ogie Diaz, manager ni Liza, sinabi niyang masaya siya na si Jane ang papalit sa kaniya upang gumanap na iconic pinay superhero.


Ipinahayag ni Ogie na walang nang-bash kay Jane at puro positive lamang dahil ‘newbie’ palang ito.

Ani Liza, “Feeling ko rin she’s new eh. Everybody should give her a chance, diba? Dapat hindi siya i-bash o husgahan agad kasi hindi naman nila nakikita… I mean, they don’t really know her personally so wala naman silang dapat i-bash, dapat kilalanin mula nila.”

“I’m really happy for her… I wanted to welcome her naman, I wanted her to feel na deserving siya sa role,” dagdag niya.

Ayon kay Liza, wala rin siyang ideya kung sino ang papalit sa kaniya noon na gaganap bilang Darna. Inakala niya rin na hindi artista ang pipiliin ng network dahil nagpa-audition ito sa Star Hunt at iba pa.

Dagdag ni Liza, na karapat-dapat na maging superhero si Jane dahil sa magandang mukha nito.




“Nung nakita ko talaga yung face niya, sabi ko nga, ‘Oh my gosh, mukha siyang superhero.’ She’s meant to be a superhero,” aniya. “Maganda talaga siya parang innocent, may sense of straight.”

Ani Liza, hindi niya sasabihan ng tips si Jane sa pagiging Darna dahil iba rin daw ang pagtingin nito sa pinay superhero. “I think Darna is who she thinks she is.”

Marami namang proyekto ang nakaabang kay Liza sa kaniyang pagbabalik showbiz matapos ang finger surgery.

Matatandaan na winithdraw ni Liza ang role na Darna dahil sa isang aksidente nito sa taping ng Bagani nitong nakaraang taon.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments