Liza Soberano, na-bash dahil sa umano’y maling pagsigaw ng “Darna’’

Manila, Philippines – Sinagot ni Liza Soberano ang pamba-bash ng ilang netizens sa paraan ng pagsigaw nito ng “Darna!” Battle cry.

Matatandaang nag-sample si Liza ng pagsigaw ng “Darna” sa isang kapamilya variety show noong linggo.

Say ng aktres, aminado siya na hindi maganda ang pagsigaw niya noon ng Darna.


Hangga’t maaari ay gusto raw niya na sa pelikula na mismo maririnig ng tao ang unang sigaw niya ng naturang battle cry.

Gayunman, inire-respeto aniya ng aktres ang opinyon ng netizens.

Facebook Comments