Mga residente ng Barangay Muntindilaw, Antipolo City, umalma sa ipinamahagi ng DSWD na Social Amelioration Card

Pumalag ang mga residente ng Barangay Muntindilaw, Antipolo City, sa ginagawang pamamahagi ng Social Amelioration Card o SAC ng DSWD dahil pinipili lamang umano ang binibigyan ng naturang Card.

Nagtataka ang ilang mga residente ng Barangay Muntindilaw, Antipolo City kung bakit nilalampasan sila gayong kabilang naman sila sa sinasabing dapat na mabigyan ng gobyerno dahil sa nawalan din sila ng pagkakakitaan.

Pinipili lamang umano ang mga kakilala at kaibigan ng isang Barangay opisyal ang mga binibigyan ng Social Amelioration Card gayong kabilang naman sila sa isinasaad na criteria na dapat mabibigyan ng tulong mula sa gobyerno.


Nanawagan sila kay Pangulong Duterte na sana’y mahatiran din sila ng kahit konting tulong upang kahit papaano ay makararaos din araw araw.

Facebook Comments