Kuntento ang local airlines sa pag-alalay sa kanila ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa recovery flights.
Ayon sa local airlines, lahat ng kailangan nila sa recovery flights ay mabilis namang tinutugunan ng CAAP.
Bunga nito, mabilis aniya ang pagbawas nila sa backlog ng stranded na mga pasahero.
Naniniwala rin ang local airlines na ang kailangan ngayon ay pagtutulungan para mapabilis ang recovery flights.
Samantala, ilan sa mga pasaherong na-stranded bunga ng technical glitch sa air tower equipment ay hindi muna nagpapa-rebook ng kanilang ticket.
Ilan kasi sa kanila ay hinihintay munang humupa ang makapal na volume ng mga pasahero sa NAIA terminals.
Facebook Comments