Local Amnesty Board, tumanggap ng unang aplikante para sa Amnesty Program ng pangulo

Inanunsyo ng National Amnesty Commission na nakatanggap ang Local Amnesty Board ng Cotabato ng kauna-unahang aplikasyon para sa amnestiya ng pangulo para sa mga dating rebelde.

Ang aplikante ay isang aktibong myembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at may nakabinbin na kasong illegal possession of firearms.

Ayon sa anak ng rebelde, hindi makaharap ng personal sa Local Amnesty Board ang ama nya dahil sa maselang kondisyong pangkalusugan.


Aniya, umaasa sila na hindi makukulong ang kaniyang ama dahil sa amnestiyang kaloob ni Pangulong Marcos.

Kasunod nito, hinihikayat ng National Amnesty Commission ang lahat ng kwalipikadong rebelde na magsumite ng aplikasyon at mapabilang sa nasabing programa ng administrasyon.

Facebook Comments