Nakatakdang ipamahagi sa mga housing beneficiaries ang kanilang mga titulo sa lupa at bahay bago matapos ang buwan ng Abril.
Sa ginawang pagdinig ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) on Housing Proclamations na pinangunahan ni House Speaker Gloria Arroyo ay naresolba ang ilang mga isyung kinakaharap sa mabagal na pagbibigay ng pabahay sa mga benepisyaryo.
Binuo ni Arroyo ang Local Inter-Agency Committee (LIAC) para mapag-usapan at tugunan ang problema sa housing ng mga urban poor.
Partikular na pinagpulungan ay ang housing proclamation sa Pasay at Parañaque City kung saan inatasan ni Arroyo ang National Housing Authority (NHA) at Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pamamahagi ng titulo sa 10,000 beneficiaries.
Isinulong din ni Arroyo ang pagtatayo na lamang ng Medium Rise Building (MRB) sa halip na single detached upang mas maraming housing beneficiaries ang mabigyan ng tahanan.