Local terrorist group sub-leader, patay sa operasyon ng militar sa Maguindanao

54

Nasawi sa ikinasang operasyon ng militar ang isang local terrorist group sub-leader sa Maguindanao kahapon.

Kinilala ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang napatay na terorista na si Kopang Sahak, alyas Tarzan, sub-leader ng Daulah Islamiyah-Maguid Group.


Siya ay nasa listahan ng DND Arrest Order No. 216 na may standing warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.

Sa ngayon ayon kay Vinluan, nagpapatuloy ang operasyon ng kanilang tropa sa Maguindanao para mahuli rin ang mga kasamahan ni Sahak na nakatakas sa iba’t ibang direkasyon nang isagawa ang operasyon at magkaroon ng sagupaan.

Samantala, batay sa datos ng Western Mindanao Command, mayroong 11 Daulah Islamiyah personalities ang napatay ng militar sa Mindanao simula January 2021.

Facebook Comments