Local transmission ng BA.2.12.1 Omicron subvariant sa bansa, kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang tatlong bagong kaso ng subvariant ay nadetect sa Western Visayas Region.

Nabatid na ang isa sa tatlong kaso ay fully vaccinated na returning overseas Filipino mula sa Estados Unidos, habang ang natitirang dalawang kaso naman ay local cases kung saan isa ang fully vaccinated at ang isa ay bineberipika pa.


Dahil dito, pumalo na sa 17 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng naturang variant sa Pilipinas.

Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa matatawag na ‘community transmission’ ang mga naitalang kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant

Facebook Comments