84% ng Populasyon ng Isabela, Full Vaccinated kontra COVID-19

26
Cauayan City, Isabela- Kabuuang 1,036,315 o 84% ng indibidwal ang nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccine sa buong lalawigan ng Isabela batay sa datos ng Provincial Health Office.

Habang 1,087,843 ang naturukan pa lang sa unang dose o katumbas ng 88.2% mula sa 80% 2022 target population na mabakunahan sa probinsya.

Bukod pa dito, 150,277 o 12.2% pa lang ang nakatanggap ng booster dose.

Umabot naman sa 80.6% ang vaccination consumption sa lalawigan.

Mayroon namang 309,646 sa adult population ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna habang 423, 707 naman sa pediatric population.

Patuloy naman ang paghimok sa publiko na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon kontra COVID-19.

Facebook Comments