‘Lockdown’, hinirang na Word of the Year ng Collins Dictionary

Hinirang ng Collins Dictionary ang salitang ‘lockdown’ bilang Word of the Year ngayong 2020.

Ayon sa lexicographers, napili nila ang salitang ‘lockdown’ dahil naging kasingkahulugan na ito ng nararanasan ng tao sa mundo dahil sa pandemya.

Nakapagtala ang Collins ng halos quarter of a million usage sa salitang ‘lockdown’.


Higit na mas mataas ito mula sa dating 4,000 noong nakaraang taon.

Kabilang din sa pasok sa Collins Dictionary ang mga salitang ‘Coronavirus’, ‘social distancing’, self-isolate’, ‘furlough’ at ‘key worker’ sa longer list of 10 words of the year na pawang konektado sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments