Baguio, Philippines – Isinasapinal na ang resolusyon para sa muling pagbubukas ng mga lodging facilities, matapos ang usapan ng lokal na gobyerno ng siyudad ng Baguio at mga opisyal at may-ari ng ilang mga bahay panuluyan at paupahan sa lungsod.
Bago magbukas at magsimula ang operasyon ng mga establisimyentong ito, kailangang sundin ng mga ito ang guidelines ng Department of Tourism (DOT), kung saan kasama sa guidelines ng ahensya ang 50% operation capacity sa lahat ng establisimyento kasama na ang mga may in-house services tulad ng canteens, gyms at spa ay kailangan din sundin ang mga basic health protocools.
Para naman sa mga establishimyentong mayroong higit sa limang kwarto, ay kailangang kumuha ng certificate of authority to operate (CAO) mula sa DOT at para sa mga limitado lamang sa limang kwarto pababa, ay bibigyan ng sertipikasyon ng City Tourism Office (CTO) pagkatapos suriin ang mga ito, bago simulan ang operasyon at tumanggap ng bisita ang mga ito.
Binigyang diin ni mayor’s executive assistant at lawyer Althea Alberto, na ang mga magbubukas lamang ng kanilang mga serbisyo para sa leisure ay inilalaan lamang sa mga residenteng mula sa mga lugar ng Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, Tublay (BLISTT), at maaring ma-serbisyuhan ang mga essential travelers at mga ilang manggagawa sa syudad, ipakita lamang ang travel authority mula sa PNP.
Samantala, ang permits and licensing division na pinamumunuan ni Allan Abayao, ay nagsimula ng ilang regular na inspeksyon sa ilang mga lodging facilities sa syudad sa kasagsagan ng halos dalawang buwang Community Quarantine, at inaabisuhan sila sa pagsunod ng health and sanitation standards.