Manila, Philippines – Naka-alerto na ngayon ang Camarines Sur sa posibleng pananalasa ng sama ng panahon sa Bicol Region.
Sa memorandum number 1 na inilabas ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte, inilagay sa red alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng lalawigan.
Layo nitong i-monitor ang namataang low pressure na inaabang maging ganap na bagyo.
Dahil dito, inaatasan ang mga lokal na opisyal na tutukan ang kani-kanilang mga nasasakupan at maghanda para sa posibleng pagbaha, landslides at iba pang maaaring epekto ng bagyo.
Disyembre, tumama sa Bicol Region ang Bagyong Usman kung saan mahigit 50 ang nasawi.
Facebook Comments