Lokal na pamahalaan ng Marawi City, umapela na bawasan ang pagsasagawa ng air strike ng militar

Manila, Philippines – Umapela ang lokal na pamahalaan ng Marawi City sa militar na bawasan muna ang pagsasagawa ng air strike.

 

Ayon kay ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Provincial Crisis Management Committee – prayoridad pa rin ang kaligtasan ng natitirang 10-porsyentong populasyon ng Marawi City na naiipit sa bakbakan.

 

Aniya, hindi kasi maisawan na may mga sibilyan na madadamay sa mga pag-atake.

 

Dahil dito, sinasamantala aniya nila ang ilang oras na tigil putukan para ipagpatuloy ang paglilikas sa mga residente.

 

Kasabay sa paggunita ng ramadan, sinabi ni Adiong na dasal nila na matapos na ang kaguluhan sa Mindanao at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

 

Facebook Comments