Pasay City pulis, lalo pang pinaigting ang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad

Manila, Philippines – Lalo pang pinaigting ng Pasay City pulis ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Katunayan, dalawa katao na naman, kabilang isang GRO, ang nahulog sa kamay ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa AscaƱo Street, Malibay ng naturang lungsod.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Maynard Pascual ng Station Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Jocelyn Santis at Cristobal Valerio habang nakatakas naman ang isa pang drug personality na si Brian Suarez.


Ayon kay Pascual, nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis at nang magkaabutan na ay dito na inaresto ang mga suspek.

Nasabat sa operasyon ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at may street value na 6,000 pesos.

Ang mga suspek ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002.

DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments