Lokal na pamahalaan ng Pasay, naglagay ng anti-Dengue net sa mga silid-aralan sa mga public school para maiwasan ang pagkalat ng dengue

Naglagay ng kulambo ang Pasay City Government sa mga silid-aralan upang mapigil ang pagdami ng kaso ng dengue lalo na’t nalalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, kakabitan ng Olyset Net ang mga bintana ng silid-aralan upang makaiwas sa pagpasok ng lamok sa loob ng mga silid.

Sa ngayon ay umabot na sa 1,431 classrooms ang nakabitan ng anti-Dengue net.


Samantala, bibisitahin ng Pasay LGU ang public schools para tiyaking lahat ng silid-aralan ay mayroong Olyset net ang mga bintana kasunod ng pagpapatupad ng 4 O’clock Habit program ng Department of Health (DOH) para masugpo ang dengue sa buong komunidad.

Facebook Comments