Large scale infrastructure projects, mapabibilis sa pagkakaroon ng Maharlika Investment Fund – PBBM

May malaking epekto ang Maharlika Investment Fund sa mga malalaking proyektong imprastraktura na isinusulong ng Marcos administration.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may impact ang Investment Fund sa pagpapatupad ng strategic large scale infrastructure projects ng pamahalaan.

Masasakop din aniya nito ang pagpapasigla at pagpapaunlad ng mga aktibidad na may kinalaman sa ekonomiya ng bansa.


Ang pahayag ay ginawa ng pangulo kasunod ng pagsesertipika nito bilang urgent bill ang Maharlika Investment fund.

Sinabi pa ng pangulo ang inflation, pabago-bagong oil price at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine kaya ginawa niyang urgent ang pagkakaroon ng bansa ng wealth fund na aniya’y makatutulong sa pagsipa ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments