Lokal na pamahalaan ng Taguig City, may ipinatutupad na alituntunin sa muling pagbubukas ng COMELEC sa lungsod

Nagpatupad ng mga alituntunin ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Taguig sa muling pagbubukas ng Commission on Elections (COMELEC) office sa lungsod.

Batay sa abiso na kanilang inilabas, kailangan munang kumuha ng appointment sa appointment.taguig.info at hintayin ang kumpirmasyon ng inyong appointment.

Dapat din mag-download muna ng application form at health declaration form sa website na www.comelec.gov.ph bago tumungo sa kanilang opisina.


Kasama rin sa alintuntunin ang pagdala ng sariling ballpen upang gamitin sa pagfill-up at pagpirma ng mga naturang form, pumunta sa mismong araw ng appointment at huwag itong ipagpaliban.

Kailangan din magsuot ng face mask at face shield sa araw ng appointment at kung May nararamdamang na sakit o anumang sintomas ng COVID 19 ay manatili na lamang sa bahay.

Ang pagtanggap ng aplikasyon sa pagrerehistro ay sa mga araw ng Martes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang araw naman ng Sabado ay nakalaan para sa “disinfection” ng opisina at ng hall way kung saan pipila ang mga aplikante tuwing may rehistro.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, layunin nito na maiwasan ang pagdagsa sa tanggapan ng COMELEC office sa lungsod at masunod ang social distancing.

Facebook Comments