Nagluluksa ngayon ang pamilya at mga kamag-anak ng isang lola dahil sa masaklap na pangyayari kamakalawa ng hapon.
November 12 bandang alas 6:30 ng gabi, isang senior citizen ang nabundol ng isang kulay abung Toyota Innova habang binabaybay nito pakanluran ang kahabaan ng Maharlika High Way sa Barangay Mambulo Nuevo bayan ng Libmanan sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Renata Barobaro y Bermudo, edad 73, balo at residente lamang sa paligid ng nabanggit na kalsada.
Ayon sa imbistigasyon ng pulisya, ang Toyota Innova ay minamaneho ng isang Ryan Alonzo y Baldemoro, edad 35, married at residente rin ng bayan ng Libmanan.
Kasalukuyan umanong tumatawid sa kalsada si Lola Renata ng bigla na lamang itong nabundol ng nasabing sasakyan. Nagtamo ng sugat at mga pasa ang mahina ng katawan ang biktima. Kaagad naman sanang inagapan si Lola at dinala sa Libmanan District Hospital pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Winston Orense.
Mas naging masaklap pa ang pangyayari pra sa pamilya at kamag-anak ng biktima dahil napag-alaman din sa imbistigasyon na ang nasabing Toyota Innova na nakabangga kay Lola Renata ay naka-rehistro at pag-aari pala ng Bicol Medical Center na siyang pinakamalaking hospital dito sa Bicol.
Lola, Edad 73, Nabundol ng Service Vehicle ng Bicol Medical Center, Patay sa CamSur
Facebook Comments