Cauayan City, Isabela- Nakauwi na ang isang lola sa kanyang mga kaanak nang ligtas matapos abandonahin ng kanyang sariling pamilya at magpalaboy laboy ng ilang araw sa Lungsod ng Cauayan.
Una rito, personal na nagtungo ang kapulisan sa Lalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni P/Capt. Galiza at P/Cpl. Lovely Joyce Bulan upang makipag ugnayan ang mga ito sa mga kaanak ng biktima para sa sitwasyon nito.
Kinilala ang ginang na si Lola Norma Montenegro, 66 anyos, walang asawa at tubong Bayan ng Enrile,Cagayan.
Sa naging panayam ng 98.5 Ifm Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan, inihatid ito ng isang tricycle driver sa himpilan ng pulisya upang magpatulong na maiuwi sa mismong tahanan ng biktima sa Bayan ng Enrile.
Ayon pa kay P/Capt. Galiza maituturing na hindi makatarungan ang ginawang hindi agad na pagsundo sa biktima makaraan itong manatili ng ilang araw sa kanilang himpilan.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Nanay Luisa Palattao, sakit sa ulo ang kanilang kapatid dahil sa may pagkakataong bigla na lamang itong umaalis sa kanilang bahay ng walang paalam.
Nagpalala naman si P/Capt. Galiza sa publiko na sakaling may ganitong insidente sa miyembro ng pamilya ay higit na dpat na arugain at pagtuunan ng pansin kahit ano pa man ang sitwasyon nito sa buhay.