Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang COVID-19 patient ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dahil sa malalang sakit nito.
Sa huling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng Cagayan Provincial Health Office, ang pang-pitong mortality sa Tuguegarao City ay si CV 3490, 73 taong gulang na lola ng Centro 9 ng nasabing Lungsod.
Siya ang panglabing-apat na nasawi sa probinsya ng Cagayan at pang animnapu’t tatlo sa Region 2 kung saan siya ay nakaranas ng ubo, panghihina ng katawan, kawalan ng ganang kumain at nahirapang huminga matapos siyang ma-expose kay CV 3213.
Maliban dito, may co-morbidities ang nasabing lola na may sakit sa urinary bladder, cancer at acute kidney injury at nagpalala sa kalagayan nito ang kaniyang COVID-19 pneumonia.
Magugunita na si CV 3213 ay isang doktor na may kaugnayan sa CVMC, DMWC, RPGMC at SPH na residente ng San Jose Village, Atulayan Sur, Tuguegarao City at nagpositibo sa COVID-19 noong November 12.