Lola, Nagbigti-Patay!

516

*Tuguegarao City-* Kinitil ng isang 60 anyos na lola ang kanyang sariling buhay matapos itong magbigti sa puno ng santol gamit ang isang nylon rope sa bayan ng Piat, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Herminio Lape, walang asawa at residente ng Zone 6, Sta Barbara ng nasabing bayan.


Sa imbestigasyon ng mga otoridad, walang nakikitang foul play sa nangyaring insidente at nabatid na ang biktima ay may pinagdaraanang sakit na tubercolosis.

Wala umanong kapamilya ang biktima sa nasabing lugar dahil isa itong dayo lamang na pansamantala lamang kinukupkop ng isang Gilberto Bambalan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang flashlight, ballcap, mesang gawa sa kahoy at nylon rope.

Facebook Comments