Lola, tinamaan ng ligaw na bala sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City

Quezon City, Philippines – Nasa maayos nang kondisyon ang isang matandang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa buy-bust operation sa Quezon City.

Sa ikinasang operasyon, natimbog ang dalawang babae na umano’y tulak ng iligal na droga na sina Teresa Gallano, 24-anyos at Melissa Tullao, 29-anyos.

Kinilala naman ang nadaplisan ng ligaw na bala na si Macaria Manoos, 84-anyos.


Sa kasagsagan ng transaksiyon ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang bumibili ng shabu kaya tumakbo ang mga ito at nagkapalitan ng bala hanggang sa tinamaan ang biktima.
DZXL558

Facebook Comments