Lolang naka-wheel chair na humihingi ng tulong, viral

Image via Facebook/ Al Vicenete Antonio

Nag-viral ang Facebook post ni Al Vincent Antonio na larawan ng isang lola na naka-wheel chair na humihingi ng tulong pinansyal sa San Jose del Monte, Bulacan sa Muzon.

Ayon sa kaniyang caption, “Sa mga nakakakita po kay nanay, sa San Jose del Monte Bulacan Muzon. Nanghihingi po ako ng tulong sa inyo para po kay nanay, Tulungan para malaman nang kamag anak niya ang kalagayan niya at tulong pinansyal. Nakakaawa po ang kalagayan nya💔😢

Nangangalakal po siya habang naka wheelchair. Hindi ko na po nakuha pangalan niya, pero sana po matulungan po natin sya. 🙏”


Nagpasalamat siya sa mga tumulong na pinuntahan ang lola sa kaniyang bahay at pinakain.

Ayon sa mga nagkomentong netizen, nakita lang daw nila ang lola na matagal nang humihingi ng tulong sa Pakwanan Tower Ville Phase 6.

Sinabi rin nila na kailangan nang mapatingin ang lola sa doktor upang malaman ang kondisyon nito.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 42,000 shares, 10,000 comments at 25,000 reactions.

Facebook Comments