Lolo, ginahasa ang 13-anyos na babaeng apo sa Davao Del Sur

Manila, Philippines – Inirereklamo ang isang matandang lalaki matapos gahasain ang isang 13-anyos na apo sa barangay Monopolo, Kiblawan, Davao Del Sur.

Kwento ng biktima – ilang beses na siyang inaabuso ng suspek sa mismong bahay na tinitirhan nilang mag-lola.

Ginawa aniya ng suspek ang panghahalay sa kanya kapag wala ang kanyang lola.


Dahil sa pangyayari hindi na ito nakatiis pa at nagsumbong sa ama.

Nasa pangangalaga na ng kanyang ama ang biktima na may iniindang sakit at patuloy na sumasailalim sa medical treatment.

Pursigido naman ang ama ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek upang mapagbayaran nito ang kanyang ginawang kasalanan.

DZXL558

Facebook Comments