Isa, patay sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Capiz

Capiz – Isa ang patay habang dalawa ang kritikal matapos bumangga ang motorsiklo sa isang tricycle sa Barangay Ondoy, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang nasawi na si Roy De Panay, 40-anyos habang ginagamot sa ospital sina Romel Compuesto at Albert Luching.

Sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Compuesto at nahagip nito ang sinusundan na motorsiklo ng hindi pa nakikilalang driver.


Sa lakas ng impact, nawalan ng kontrol ang driver na si Compuesto at nabangga ang nakasalubong na tricycle na minamaneho naman ni Reman Obrigue, 35-anyos.

Dito, tumilapon sa gilid ng daan ang tatlong sakay sa motorsiklo habang mabilis na tumakas sa lugar si Obrigue.

Facebook Comments