Lolo na Nagtangkang Magpuslit ng Iligal na Troso, Arestado!

Dupax del Norte, Nueva Viscaya- Arestado ang isang lalaki matapos magtangkang magpuslit ng Iligal na pinutol na kahoy sa kahabaan ng Pambansang Lansangan ng Dupax del Norte, Nueva Viscaya kahapon.

Kinilala ang lolong nadakip na si Vicente Luis, sisenta anyos, may asawa at residente ng Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng tawag ang himpilan ng PNP Dupax del Norte mula sa isang concerned citizen na mayroon umanong nagpupuslit ng kahoy particular sa Brgy. Bitnong, Dupax del Norte.


Agad namang rumesponde ang mga kapulisan sa nasabing lugar hanggang sa namataan sa nasabing lansangan ang isang kulong-kulong na minamaneho ni Luis na naglalaman ng iba’t-ibang laki na pinutol na mga kahoy.

Hiningan ng Operatiba si Luis ng mga dokumento kaugnay sa pag-aangkat nito ng mga kahoy subalit wala itong maipakitang papeles.

Nasa kamay na ng kapulisan ang supek kasama ang kulong-kulong laman ang mga Iligal na kahoy na tinatayang nasa mahigit isang daang talampakan at inihahanda na ang kasong Paglabag sa Presidential Decree 705 o “Revised Forestry Code of the Philippines” laban kay Luis.

Facebook Comments