Lolo, Natagpuang Patay sa Inuupahang Bahay.

Cauayan City, Isabela- Isang lolo ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Brgy. Minante 1, Cauayan City kamakaylan lamang.

Kinilala ang matanda na si Alfeo Gonzaga, 51 anyos, walang asawa at kasalukuyang naninirahan sa naturang lugar.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team, tumawag umano ang may-ari ng bahay na si Felipe Lucas sa tanggapan ng PNP at ipinaalam na ang matandang ay nakahandusay sa sala ng inuupahang bahay.


Agad namang rumisponde ang kapulisan at nadatnang wala ng pulso at hindi na humihinga si Gonzaga.

Samantala, hinala naman ng mga kamag-anak ng matanda na namatay ito dahil umano sa condisyon ng kanyang kalusugan na madalas magreklamo sa pananakit ng kanyang dibdib.

Dinala naman agad ng City Crime Laborotory Personnels ang katawan ng matanda sa kanilang himpilan upang isailalim sa mga pagsusuri.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kanyang kamag-anak ang bangkay ng nasabing matanda.

Facebook Comments