Lolo, Patay Matapos Ma-Hit and Run!

Cauayan City, Isabela- Duguan ang isang lolo nang ito ay matagpuan na nakahandsay sa pambansang lansagan sa Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Camilo Ajel Sr, 75 taong gulang, byudo, magsasaka at residente rin ng nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakita umano ng nangngangalang Angel Castillo, 65 taong gulang na residente rin sa lugar na naglalakad sa gilid ng highway ang biktima at pagkalipas ng ilang minuto ay nakarinig ng ingay si Castillo.


Nang tignan umano ni Castillo kung saan galing ang ingay ay nakita na lamang ang nakahandusay na lolo na duguan sa kanyang ulo.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments