Partidong Rodito Albano III vs. Napoleon Dy sa Lalawigan ng Isabela, Umarangkada Na!

*Ilagan City, Isabela*- Pormal ng naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw ang tambalan nina Isabela 1st District Congressman Rodolfo “Rodito” Albano III para sa posisyong Gobernador ng Isabela at ang bise gobernador nito na si incumbent Isabela Governor Faustino Bojie Dy III.

Makakatunggali ni Albano III si Isabela 3rd District Congressman Napoleon “Pol” Dy sa pagka-gobernador habang si incumbent Governor Bojie Dy III naman ay makakalaban si dating Governor at COMELEC Commissioner Grace Padaca para sa posisyong Bise-Gobernador.

Magugunita na una ng nakapagfile ng kandidatura ang partido ni Napoleon Dy habang ang tambalan naman nina Albano III at Bojie Dy III ay nakapag-file ngayong araw lamang para sa 2019 Mid-Term Elections.


Facebook Comments