LONG WEEKEND MULING MARARANASAN; ILANG PANGASINENSE MARAMING PANAHON PARA MAMASYAL

Matapos maranasan ang mahaba-habang bakasyon noong nakaraang halalan at sa komemorasyon sa kapanganakan ni late Speaker Eugenio Padlan Perez noong, ika-13 ng Nobyembre muling makakaranas ng long weekend ang mga Pangasinense at ng buong Pilipinas.
Nagsimula kahapon, araw ng Sabado, ika-25 ng Nobyembre taong kasalukuyan hanggang ika-27 ng buwan ang walang pasok dahil sa pagdedeklara ng pamahalaan sa Lunes na ika-27 ng buwan bilang paggunita sa isang magiting na bayani na si Andres Bonifacio o tinatawag na Bonifacio Day.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 90 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Nobyembre 27, 2023 (LUNES) ay idineklara bilang Non-Working Holiday.

Magbabalik ang pasukan sa opisina at paaralan sa ika-28 ng Nobyembre.
Samantala, dahil sa mararanasang mahabang bakasyon, sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang Pangasinense ay sasamantalahin anila ang bakasyon na ito para mamasyal sa mga nagbukas ng pasyalan ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Nakaalerto at nakabantay ang iba’t ibang awtoridad sa pangunguna ng PNP sa iba’t ibang bayan sa lalawigan sa mga pasyalan upang magbigay ng peace at order. | ifmnews
Facebook Comments