Nitong nakaraang Sabado, apat na personalidad ang inaresto matapos silang maaktuhang nagdadala ng nasa isang kilong pinaghihinalaang shabu. Huli sa bitag ng mga agents ng PDEA CamSur sina:
1. Olivia Encinas y Salinas, 60 y.o. of San Pedro, Laguna
2. Rodigundo Celis y Parajes, 34 y.o. of Tipas, Taguig
3. Joel Saut y Alpanuso, 35 yo. of Amadeo, Cavite
4. Alvin Andaya y Saut, 37 y.o. of Amadeo, Cavite
Ang apat ay galing pa umano sa Metro Manila at sakay ng isang taxi para dalahin at i-deliver ang nasabing shabu sa nagkunwaring buyer na asset pala ng PDEA CamSur.
Tinatayang umaabot sa isang milyon ang halaga ng nasakoteng ipinagbabawal na gamot.
Sa panayam ni RMN DWNX RadyoMaN Ed Ventura at RadyoMaN Grace Inocentes kay “Agent Pong” ng PDEA CamSur sa programang DOBLE PASADA, una umanong napagkasunduan na sa bayan ng Ragay, Camarines Sur gaganapin ang transaksyon kung saan sasalubungin ng nagkunwaring buyer ang grupo nina Encinas. Pero napag-isipan ng PDEA Camsur na gumawa ng scenario para mailipat ang venue ng transaction sa Naga City. Ayon pa kay “Agent Pong” idinahilan ng asset ng PDEA CamSur na nasiraan siya ng sasakyan sa Almeda High-Way kung kayat hindi na siya makakabyahe sa Ragay. Hinikayat umano nitong dalahin na lamang sa Almeda High-Way ang shabu at doon na lang gawin ang transaction. Pumayag naman ang mga suspects at lulan ng isang taxi, bumiyahe nga sila papuntang Naga City particular sa Almeda High-Way. Binuksan pa ng mga personnel ng PDEA CamSur ang hood ng gamit nilang sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada para mapaniwala ang grupo ng mga suspects na nasiraan nga sila ng sasakyan dahilan para hindi na makabyahe pa papuntang Ragay. Pagdating nga mga suspects, sinimulan nang makipag-usap ng asset at nang matiyak na may dala-dalang shabu ang grupo ni Encinas, dito na sila kaagad na inaresto.
Ang apat ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9195, o Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasama mo sa balita RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!