Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ilalabas nila ang bagong limang pisong barya sa darating na buwan ng Disyembre. Ito’y bilang pagbibigay pugay sa ika-154th kaarawan ni Bonifacio ngayong Huwebes, Nobyembre 30 at ika-120th anibersaryo ng kanyang pagkamatay nitong Mayo 10 ng kasalukuyang taon.
Sa sinasabing barya, naka-ukit dito ang mukha ng Ama ng Katipunan na may mga nakasulat na “ANDRES BONIFACIO”, “5-PISO” at “REPUBLIKA NG PILIPINAS”. Sa likurang bahagi naman ng barya, makikitang naka-ukit ang Tayabak, isang uri ng halaman na “endemic” o sa Pilipinas lamang makikita, logo ng BSP at “BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS”.
Facebook Comments