Lorenzana, aminadong mali ang pagkuha ng mga sundalo ng litrato kasama ang labi ni Jevilyn Cullamat

Aminado si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na mali ang pagkuha ng mga sundalo ng litrato kasama ang mga labi ni New People’s Army (NPA) medic Jevilyn Cullamat, anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat.

Ayon kay Lorenzana, hindi siya sang-ayon sa ginawa ng mga sundalo.

Maaari silang kumuha ng litrato kasama ang mga nasamsam na armas at iba pang kagamitan pero hindi sa mga nasawing kalaban.


Pero iginiit ni Lorenzana na hindi binastos ng mga sundalo ang katawan ni Jevilyn.

Nangako ang kalihim na bubuo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng bagong direktiba para sa mga tropa hinggil sa pagpapakita ng katawan ng mga kalaban tuwing may engkwentro.

Facebook Comments