Lovelife ni Angel Locsin humabol sa Valentine’s Day!

Inamin na ng aktres na si Angel Locsin ang relasyon nito sa movie producer na si Neil Arce. Ayon sa Pilinas Got Talent judge, ngayong buwan lang naging pormal ang kanilang relasyon. Tanggap din daw ng pamilya ni Angel ang bagong kasintahan lalo na’t matagal na niyang kaibigan si Neil. Pero hindi naman daw sila nagmamadali sa posibilidad ng pagkakaroon ng kasal. Pitong taon nang magkaibigan si Locsin at Arce bago tuluyang maging sila.

Facebook Comments