Manila, Philippines – Nalusaw na ang Low Pressure Area na nagdadala ng pag-ulan sa Palawan.
Sa ngayon, malamig na panahon dala ng hanging amihan ang nakakaapekto sa hilagang bahagi ng Luzon.
Isuot ang mga tradisyunal na *vakul* (women’s headress) at *kanayi* (male raincoat) sa Batanes dahil magkakaroon ng mahihinang pag-ulan kasama na ang Babuyan Group of Islands.
Pasyalan ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao dahil maaraw ang panahon sa natitirang bahagi ng hilaga, gitna at katimugang Luzon.
Maganda ang panahon sa Metro Manila kung saan ginaganap ang ASEAN summit.
Maglagay ng sunblock sa mga nasa Baybay beach sa Roxas, Capiz dahil maaraw at maalinsangang panahon sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments