Low Pressure Area, patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility

Manila, Philippines – Isang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 325 kilometers kanluran ng Dagupan city at malabo ang tyansa nitong maging bagyo.

Sa ngayon, walang epekto ang LPA sa lagay ng panahon sa buong bansa ngayong araw.


Pero dahil sa umiiral na easterlies, asahan ang pag-ulan sa Cagayan Valley at natitirang bahagi ng Northern Luzon.

Maaliwalas na panahon naman ang asahan sa buong Visayas at Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 34 degrees celsius.
Sunrise: 5:40 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi
Nation

Facebook Comments