Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management na rebisahin ang Government Procurement Law.
Gusto kasing ipabago ng Pangulo ang probisyon sa naturang batas ang lowest bidder wins supply contracts.
Sa cabinet meeting sa Malacanang ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi naman tiyak ang gobyerno na nakukuha nito ang pinakamataas na kalidad ng produkto o serbisyo kung lowest bid ang pagbabasehan.
Sinabi pa ng Pangulo na lowest bid nga ang nanalo sa bidding process ay masisira din naman matapos ng isang taon.
Binigyang diin ng Pangulo na ang kalidad ng serbisyo o ng produkto ang dapat mangibabaw kaysa sa halaga nito.
Facebook Comments