Manila, Philippines – Ikinadismaya at ikinalungkot ng mgasenador na kasapi ng Liberal Party o LP ang pagtanggi ng Commission onAppointments sa kumpirmasyon ni Secretary Gina Lopez bilang pinuno ngDepartment of Environment and Natural Resources.
Ayon kay LP President Senator Francis Kiko Pangilinan,ang hindi pagkumpirma kay Secretary Lopez ay pagtanggi sa makabuluhangpagbabago na ipinangako ng administrasyong Duterte.
Bunsod nito ay umaasa aniya sila sa LP na hindi ritomagtatapos ang laban ni Secretary Lopez.
Bumoto aniya ang mga LP Senators para sa kumpirmasyon niSecretary Lopez sapagkat tumutugma ang kanyang mga adhikain at adbokasiya saisinusulong ng partido na proteksyon, pagpapaunlad at makatarungang paggamit nglikas na yaman para sa kapakinabangan ng lahat ng Pilipino.
Diin ni Pangilinan, marami pang kakaharaping pagsubok angmga Pilipino dulot ng climate change at pagkasira ng kalikasan.
Sana ayon kay Pangilinan ay makasama pa si Sec. Lopez ngsambayanang Pilipino sa pagharap sa mga darating pang gawain para sa isangmalinis, maunlad at ligtas na kapaligiran.
LP Senators, umaasang tuloy pa rin ang laban ni Sec. Lopez para sa kalikasan
Facebook Comments